6 “Kaya sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Ako ay si Jehova, at talagang ilalabas ko kayo mula sa ilalim ng mga pabigat ng mga Ehipsiyo at ililigtas ko kayo mula sa pagkaalipin sa kanila,+ at babawiin ko nga kayo na may unat na bisig at may mga dakilang kahatulan.+
17 Ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel:+ “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka,+ ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.+
34 Ang kanilang Manunubos ay malakas,+ Jehova ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.+ Walang pagsalang ipakikipaglaban niya ang kanilang usapin sa batas,+ upang pagpahingahin nga niya ang lupain+ at ligaligin ang mga tumatahan sa Babilonya.”+