Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 20:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Huwag mong yuyukuran ang mga iyon ni maganyak ka man na paglingkuran ang mga iyon,+ sapagkat akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi, doon sa mga napopoot sa akin;+

  • Deuteronomio 5:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Huwag mong yuyukuran ang mga iyon o maakay ka man na paglingkuran ang mga iyon,+ sapagkat akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,+ na naglalapat ng kaparusahan sa mga anak at sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi dahil sa kamalian ng mga ama, doon sa mga napopoot sa akin;+

  • Hukom 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At nangyayari nga na kapag namatay ang hukom ay tumatalikod sila at gumagawi nang higit pang kapaha-pahamak kaysa sa kanilang mga ama sa pamamagitan ng pagsunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa mga iyon at yumukod sa mga iyon.+ Hindi sila tumigil sa kanilang mga gawa at sa kanilang sutil na paggawi.+

  • 2 Cronica 25:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ngunit nangyari, pagkagaling ni Amazias mula sa pagpatay sa mga Edomita ay dinala niya ngayon ang mga diyos+ ng mga anak ni Seir at inilagay ang mga iyon bilang kaniyang sariling mga diyos,+ at sa harap ng mga iyon ay nagsimula siyang yumukod,+ at para sa mga iyon ay nagsimula siyang gumawa ng haing usok.+

  • Habakuk 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “ ‘Sa aba niyaong nagsasabi sa piraso ng kahoy: “Gumising ka!” sa isang batong pipi: “Gising na! Ito mismo ay magbibigay ng tagubilin”!+ Narito! Ito ay nababalutan ng ginto at pilak,+ at walang hininga sa loob nito.+

  • Apocalipsis 9:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ngunit ang mga nalabi sa mga tao na hindi napatay ng mga salot na ito ay hindi nagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay,+ upang hindi nila sambahin ang mga demonyo+ at ang mga idolo na ginto at pilak+ at tanso at bato at kahoy, na hindi nakakakita ni nakaririnig ni nakalalakad;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share