Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 51:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 51 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Diyos, ayon sa iyong maibiging-kabaitan.+

      Ayon sa kasaganaan ng iyong kaawaan ay pawiin mo ang aking mga pagsalansang.+

  • Awit 103:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw,+

      Gayon kalayo niya inilalagay mula sa atin ang ating mga pagsalansang.+

  • Isaias 1:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni Jehova.+ “Bagaman ang mga kasalanan ninyo ay maging gaya ng iskarlata, ang mga ito ay mapapuputing gaya ng niyebe;+ bagaman ang mga ito ay maging pula na gaya ng telang krimson, ang mga ito ay magiging gaya pa man din ng lana.

  • Isaias 43:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Ako—ako ang Isa na pumapawi+ sa iyong mga pagsalansang+ alang-alang sa akin,+ at ang iyong mga kasalanan ay hindi ko aalalahanin.+

  • Jeremias 33:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At dadalisayin ko sila mula sa lahat ng kanilang kamalian na ipinagkasala nila laban sa akin,+ at patatawarin ko ang lahat ng kanilang mga kamalian na ipinagkasala nila laban sa akin at isinalansang nila laban sa akin.+

  • Gawa 3:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Kaya nga magsisi kayo,+ at manumbalik+ upang mapawi ang inyong mga kasalanan,+ upang ang mga kapanahunan ng pagpapaginhawa+ ay dumating mula sa mismong persona ni Jehova

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share