3 Sinuman sa inyo na mula sa kaniyang buong bayan, sumakaniya nawa ang kaniyang Diyos.+ Kaya paahunin siya sa Jerusalem, na nasa Juda, at itayo niyang muli ang bahay ni Jehova na Diyos ng Israel—siya ang tunay na Diyos+—na nasa Jerusalem.+
17 na nagpangyaring ang mabungang lupain ay maging gaya ng ilang at gumiba ng mismong mga lunsod nito,+ na hindi nagbukas ng daang pauwi para sa kaniyang mga bilanggo?’+
14 Ito ang sinabi ni Jehova, na inyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel:+ “Alang-alang sa inyo ay magsusugo ako sa Babilonya at pababagsakin ko ang mga halang ng mga bilangguan,+ at ang mga Caldeo sa mga barko na humihiyaw nang may paghihinagpis.+
25 Ngunit ito ang sinabi ni Jehova: “Maging ang kalipunan ng mga bihag ng makapangyarihang lalaki ay kukunin,+ at yaong mga nakuha na ng maniniil ay makatatakas.+ At sa sinumang nakikipaglaban sa iyo ay ako ang makikipaglaban,+ at sa iyong mga anak ay ako ang magliligtas.+