-
2 Cronica 16:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Kaya inilibing nila siya sa kaniyang maringal na libingang dako+ na kaniyang dinukal para sa kaniyang sarili sa Lunsod ni David;+ at inihiga nila siya sa higaan na pinunô ng langis ng balsamo+ at ng iba’t ibang uri ng ungguento+ na pinaghalu-halo sa isang ungguento na natatangi ang pagkakagawa.+ Karagdagan pa, gumawa sila ng isang pagkalaki-laking panlibing na pagsunog+ para sa kaniya.
-
-
Ezekiel 32:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Sa gitna ng mga napatay ay naglagay sila ng higaan+ para sa kaniya sa gitna ng kaniyang buong pulutong. Ang kaniyang mga dakong libingan ay nasa palibot nito. Silang lahat ay di-tuli, napatay sa pamamagitan ng tabak,+ sapagkat ang kanilang kakilabutan ay pinangyari sa lupain ng mga buháy; at tataglayin nila ang kanilang kahihiyan kasama niyaong mga bumababa sa hukay. Sa gitna ng mga napatay ay inilagay siya.
-