Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 13:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ang mga lalaki ng Sodoma ay masasama at talamak na mga makasalanan laban kay Jehova.+

  • Deuteronomio 32:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Sapagkat ang kanilang punong ubas ay mula sa punong ubas ng Sodoma

      At mula sa hagdan-hagdang lupain ng Gomorra.+

      Ang kanilang mga ubas ay mga ubas na lason,

      Ang kanilang mga kumpol ay mapapait.+

  • Isaias 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ang mismong anyo ng kanilang mga mukha ay nagpapatotoo nga laban sa kanila,+ at ang kanilang kasalanang gaya ng sa Sodoma ay inihahayag ng mga iyon.+ Hindi nila iyon itinatago. Sa aba ng kanilang kaluluwa! Sapagkat nagdulot sila ng kapahamakan sa kanilang sarili.+

  • Panaghoy 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Ang kaparusahan sa kamalian ng anak na babae ng aking bayan ay mas malaki pa kaysa sa kaparusahan sa kasalanan ng Sodoma,+

      Na giniba na waring sa isang sandali, at hindi binalingan ng alinmang kamay upang tulungan.+

  • Judas 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Gayundin ang Sodoma at Gomorra at ang mga lunsod sa palibot nila,+ pagkatapos na sila sa katulad na paraan gaya ng mga nauna ay makiapid nang labis-labis at sumunod sa laman sa di-likas na paggamit,+ ay nakalagay sa harap natin bilang isang babalang halimbawa+ sa pagdanas ng parusang hatol na walang-hanggang apoy.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share