7 Iwan ng taong balakyot ang kaniyang lakad,+ at ng taong mapaminsala ang kaniyang mga kaisipan;+ at manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+ at sa ating Diyos, sapagkat magpapatawad siya nang sagana.+
7 Ang kanilang mga paa ay laging tumatakbo patungo sa lubos na kasamaan,+ at nagmamadali sila upang magbubo ng dugong walang-sala.+ Ang kanilang mga kaisipan ay nakasasakit na mga kaisipan;+ ang pananamsam at kagibaan ay nasa kanilang mga lansangang-bayan.+
12 At sinabi nila: “Wala nang pag-asa!+ Sapagkat sa aming sariling mga kaisipan kami susunod, at isasagawa ng bawat isa sa amin ang pagkasutil ng kaniyang masamang puso.”+
19 Bilang halimbawa, mula sa puso ay nanggagaling ang mga balakyot na pangangatuwiran,+ mga pagpaslang, mga pangangalunya, mga pakikiapid, mga pagnanakaw, mga bulaang patotoo, mga pamumusong.+