13 Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito! Ang aking mga lingkod ay kakain,+ ngunit kayo ay magugutom.+ Narito! Ang aking mga lingkod ay iinom,+ ngunit kayo ay mauuhaw.+ Narito! Ang aking mga lingkod ay magsasaya,+ ngunit kayo ay mapapahiya.+
13 O Jehova, na pag-asa ng Israel,+ lahat niyaong mga umiiwan sa iyo ay malalagay sa kahihiyan.+ Yaong mga nag-aapostata sa akin+ ay mapapasulat sa lupa, sapagkat iniwan nila ang bukal ng tubig na buháy, si Jehova.+
18 Ilagay mo nawa sa kahihiyan ang mga nang-uusig sa akin,+ ngunit ako mismo ay huwag mong ilagay sa kahihiyan.+ Sila nawa ang pangilabutin mo, ngunit ako mismo ay huwag mong pangilabutin. Pasapitin mo sa kanila ang araw ng kapahamakan,+ at wasakin mo sila ng pagkawasak na makalawang ulit.+