Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 19:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Nang magkagayon ay nagpaulan si Jehova ng asupre at apoy mula kay Jehova, mula sa langit, sa Sodoma at sa Gomorra.+

  • Deuteronomio 29:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 asupre at asin+ at sunog,+ anupat ang buong lupain nito ay hindi mahahasikan, ni sisibulan, ni tutubuan man iyon ng anumang pananim, gaya ng paggiba sa Sodoma at Gomorra,+ Adma+ at Zeboiim,+ na giniba ni Jehova sa kaniyang galit at sa kaniyang poot;+

  • Jeremias 49:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Gaya noong gibain ang Sodoma at ang Gomorra at ang kaniyang kalapit na mga bayan,”+ ang sabi ni Jehova, “walang taong mananahanan doon, at walang anak ng sangkatauhan ang maninirahan sa kaniya bilang dayuhan.+

  • Jeremias 50:40
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 40 “Gaya ng paggiba ng Diyos sa Sodoma at sa Gomorra+ at sa kaniyang mga kalapit na bayan,”+ ang sabi ni Jehova, “walang taong mananahanan doon, ni maninirahan man sa kaniya ang anak ng sangkatauhan bilang dayuhan.+

  • Zefanias 2:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kaya nga, buháy ako,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, “ang Moab ay magiging gaya ng Sodoma,+ at ang mga anak ni Ammon+ ay gaya ng Gomorra, isang dakong pag-aari ng mga kulitis, at isang hukay ng asin, at isang tiwangwang na kaguhuan, maging hanggang sa panahong walang takda.+ Ang mga nalalabi sa aking bayan ay mandarambong sa kanila, at aariin sila ng nalabi sa aking sariling bansa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share