33 At kayo ay pangangalatin ko sa gitna ng mga bansa,+ at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo;+ at ang inyong lupain ay magiging tiwangwang,+ at ang inyong mga lunsod ay magiging tiwangwang na kaguhuan.
15 “At mangyayari nga na kung hindi ka makikinig sa tinig ni Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng maingat na pagsasagawa ng lahat ng kaniyang mga utos at ng kaniyang mga batas na iniuutos ko sa iyo ngayon, ang lahat ng mga sumpang ito ay darating nga sa iyo at aabot sa iyo:+
19 Kinukuha ko ang langit at ang lupa bilang mga saksi laban sa inyo ngayon,+ na inilagay ko ang buhay at kamatayan sa harap mo,+ ang pagpapala+ at ang sumpa;+ at piliin mo ang buhay upang manatili kang buháy,+ ikaw at ang iyong supling,+
9 Si Jehova ay hindi mabagal may kinalaman sa kaniyang pangako,+ gaya ng itinuturing ng ilang tao na kabagalan, kundi siya ay matiisin sa inyo sapagkat hindi niya nais na ang sinuman ay mapuksa kundi nais niya na ang lahat ay makaabot sa pagsisisi.+