-
Isaias 33:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Sa aba mo na nananamsam, na hindi ka naman sinasamsaman, at sa iyo na nakikitungo nang may kataksilan, gayong hindi ka naman pinakikitunguhan nang may kataksilan!+ Kapag natapos ka na bilang mananamsam, ikaw ay sasamsaman.+ Kapag nagawa mo nang makitungo nang may kataksilan, makikitungo sila sa iyo nang may kataksilan.+
-
-
Ezekiel 39:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 At hindi sila magdadala ng mga patpat na kahoy mula sa parang, ni mangunguha man sila ng panggatong mula sa mga kagubatan, sapagkat sa pamamagitan ng baluti ay magpapaningas sila ng mga apoy.’
“ ‘At tiyak na sasamsaman nila yaong mga nanamsam sa kanila,+ at mandarambong doon sa mga nandambong sa kanila,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.
-
-
Zefanias 2:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Kaya nga, buháy ako,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, “ang Moab ay magiging gaya ng Sodoma,+ at ang mga anak ni Ammon+ ay gaya ng Gomorra, isang dakong pag-aari ng mga kulitis, at isang hukay ng asin, at isang tiwangwang na kaguhuan, maging hanggang sa panahong walang takda.+ Ang mga nalalabi sa aking bayan ay mandarambong sa kanila, at aariin sila ng nalabi sa aking sariling bansa.+
-