-
Jeremias 11:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Bumalik sila sa mga kamalian ng kanilang mga ninuno,+ ang mga nauna, na tumangging sumunod sa aking mga salita, ngunit sila mismo ay sumunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila.+ Sinira ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ni Juda ang aking tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga ninuno.+
-
-
Ezekiel 20:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 “ ‘ “Ngunit sila, ang sambahayan ng Israel, ay naghimagsik laban sa akin sa ilang.+ Ang aking mga batas ay hindi nila nilakaran,+ at ang aking mga hudisyal na pasiya ay itinakwil+ nila, na kung patuloy na isasagawa ng tao ay patuloy rin siyang mabubuhay sa pamamagitan ng mga iyon.+ At ang aking mga sabbath ay lubha nilang nilapastangan,+ kaya nangako akong ibubuhos ko sa kanila sa ilang ang aking poot, upang lipulin sila.+
-