Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 17:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 at si Jehova ay patuloy na nagbabala+ sa Israel+ at Juda+ sa pamamagitan ng lahat ng kaniyang mga propeta+ at ng bawat tagapangitain,+ na nagsasabi: “Tumalikod kayo mula sa inyong masasamang lakad+ at tuparin ninyo ang aking mga utos,+ ang aking mga batas,+ ayon sa lahat ng kautusan+ na iniutos ko sa inyong mga ninuno+ at siyang ipinadala ko sa inyo sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta”;+

  • Isaias 1:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Maghugas kayo;+ magpakalinis kayo;+ alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawain mula sa harap ng aking mga mata;+ tigilan ninyo ang paggawa ng masama.+

  • Jeremias 7:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: “Pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo, at patuloy ko kayong patatahanin sa dakong ito.+

  • Jeremias 26:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ngayon ay pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga pakikitungo,+ at sundin ninyo ang tinig ni Jehova na inyong Diyos, at ikalulungkot ni Jehova ang kapahamakan na sinalita niya laban sa inyo.+

  • Ezekiel 18:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 “ ‘Ako ba ay nalulugod sa kamatayan ng balakyot,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘at hindi sa pagtalikod niya mula sa kaniyang mga daan upang patuloy nga siyang mabuhay?’+

  • Gawa 26:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 kundi kapuwa sa mga nasa Damasco+ muna at sa mga nasa Jerusalem,+ at sa buong lupain ng Judea, at sa mga bansa+ ay dinala ko ang mensahe na dapat silang magsisi at bumaling sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawang angkop sa pagsisisi.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share