20 “Pasasapitin ni Jehova sa iyo ang sumpa,+ kalituhan+ at pagsaway+ sa lahat ng iyong pinagpapagalan na isinasagawa mo, hanggang sa ikaw ay malipol at mapawi nang dali-dali, dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa sapagkat iniwan mo ako.+
17 sa dahilang iniwan nila ako at gumawa ng haing usok para sa ibang mga diyos+ upang galitin ako sa lahat ng gawa ng kanilang mga kamay,+ at ang aking pagngangalit ay nagliyab laban sa dakong ito at hindi mapapawi.’ ” ’+
11 “Ngunit kayo yaong mga umiiwan kay Jehova,+ yaong mga lumilimot sa aking banal na bundok,+ yaong mga nag-aayos ng mesa para sa diyos ng Suwerte+ at yaong mga nagbubuhos ng hinaluang alak para sa diyos ng Tadhana.+
13 ‘sapagkat dalawang masasamang bagay ang ginawa ng aking bayan: Iniwan nila ako,+ ang bukal ng tubig na buháy,+ upang humukay para sa kanilang sarili ng mga imbakang-tubig, mga imbakang-tubig na sira, na hindi makapaglalaman ng tubig.’
6 “ ‘Iniwan mo ako,’+ ang sabi ni Jehova. ‘Lumalakad ka nang paurong.+ At iuunat ko ang aking kamay laban sa iyo at lilipulin kita.+ Nagsawa na ako sa panghihinayang.+
13 O Jehova, na pag-asa ng Israel,+ lahat niyaong mga umiiwan sa iyo ay malalagay sa kahihiyan.+ Yaong mga nag-aapostata sa akin+ ay mapapasulat sa lupa, sapagkat iniwan nila ang bukal ng tubig na buháy, si Jehova.+
5 kami ay nagkasala+ at gumawa ng mali at gumawi nang may kabalakyutan at naghimagsik;+ at nagkaroon ng paglihis mula sa iyong mga utos at mula sa iyong mga hudisyal na pasiya.+