Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 19:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Huwag mong dadayain ang iyong kapuwa,+ at huwag kang magnanakaw.+ Ang kabayaran ng upahang trabahador ay hindi dapat manatili sa iyo nang buong magdamag hanggang sa umaga.+

  • Deuteronomio 24:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Huwag mong dadayain ang isang upahang trabahador na nasa kagipitan at dukha, maging sa iyong mga kapatid man o sa iyong mga naninirahang dayuhan na nasa iyong lupain, sa loob ng iyong mga pintuang-daan.+

  • Mikas 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 na nagtatayo ng Sion sa pamamagitan ng mga pagbububo ng dugo at ng Jerusalem sa pamamagitan ng kalikuan.+

  • Habakuk 2:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “ ‘Sa aba niyaong nagtitipon ng masamang pakinabang para sa kaniyang sambahayan,+ upang mailagay ang kaniyang pugad sa mataas na dako, upang maligtas mula sa abot ng bagay na kapaha-pahamak!+

  • Habakuk 2:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “ ‘Sa aba niyaong nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng pagbububo ng dugo, at matibay na nagtatag ng bayan sa pamamagitan ng kalikuan!+

  • Malakias 3:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “At lalapit ako sa inyo ukol sa paghatol,+ at ako ay magiging mabilis na saksi+ laban sa mga manggagaway,+ at laban sa mga mangangalunya,+ at laban sa mga sumusumpa nang may kabulaanan,+ at laban sa mga gumagawi nang may pandaraya sa kabayaran ng bayarang manggagawa,+ sa babaing balo+ at sa batang lalaking walang ama,+ at sa mga nagtataboy sa naninirahang dayuhan,+ samantalang hindi nila ako kinatatakutan,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

  • Santiago 5:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Narito! Ang kabayarang nauukol sa mga manggagawa na nag-ani sa inyong mga bukid ngunit ipinagkakait ninyo,+ ay patuloy na humihiyaw,+ at ang mga paghingi ng tulong+ mula sa mga manggagapas ay pumasok na sa mga tainga+ ni Jehova ng mga hukbo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share