Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At ang kaniyang pagpapatutot ay nangyari dahil sa kaniyang mababaw na pangmalas, at patuloy niyang dinumhan ang lupain+ at nangalunya sa mga bato at sa mga punungkahoy;+

  • Jeremias 5:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Paano kita mapapatawad sa mismong bagay na ito? Iniwan ako ng iyong mga anak, at patuloy silang sumusumpa+ sa pamamagitan niyaong hindi naman Diyos.+ At patuloy ko silang binubusog,+ ngunit patuloy silang nangangalunya,+ at sa bahay ng babaing patutot ay pumaparoon sila nang pulu-pulutong.

  • Jeremias 9:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 O kung sa ilang sana ay mayroon akong dakong tuluyan ng mga manlalakbay!+ Kung magkagayon ay iiwan ko ang aking bayan at lilisanin ko sila, sapagkat silang lahat ay mga mangangalunya,+ isang kapita-pitagang kapulungan ng mga taksil makitungo;+

  • Jeremias 13:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 ang iyong mga pangangalunya+ at ang iyong mga paghalinghing,+ ang iyong mahalay na paggawi sa pagpapatutot. Sa ibabaw ng mga burol, sa parang, ay nakita ko ang iyong mga kasuklam-suklam na bagay.+ Sa aba mo, O Jerusalem! Hindi ka na luminis+—hanggang kailan pa kaya?”+

  • Ezekiel 16:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Sa kalagayan ng asawang babae na nangangalunya, kumukuha siya ng ibang mga tao kahalili ng kaniyang sariling asawa.+

  • Ezekiel 22:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At sa asawa ng kaniyang kasamahan ay gumawa ng karima-rimarim na bagay+ ang isang lalaki, at ang kaniyang sariling manugang ay dinungisan ng isang lalaki sa mahalay na paggawi;+ at sa iyo ay hiniya ng isang lalaki ang kaniyang kapatid na babae, ang anak ng kaniyang sariling ama.+

  • Oseas 4:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 May mga pagsumpa+ at panlilinlang+ at pagpaslang+ at pagnanakaw+ at pangangalunya+ na lumalaganap, at inaabutan ng mga pagbububo ng dugo ang iba pang mga pagbububo ng dugo.+

  • Oseas 7:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Silang lahat ay mga mangangalunya,+ gaya ng hurno na pinagniningas ng magtitinapay, na tumitigil sa pagsusulong ng apoy pagkatapos na masahin ang masa hanggang sa mapaasim ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share