-
Jeremias 50:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sapagkat narito, aking pupukawin at paaahunin laban sa Babilonya ang isang kongregasyon ng mga dakilang bansa mula sa lupain ng hilaga,+ at tiyak na hahanay sila laban sa kaniya.+ Mula roon ay bibihagin siya.+ Ang mga palaso ng isa ay gaya ng sa makapangyarihang lalaki na nagpapangyari ng pagkaulila sa mga anak, na hindi bumabalik nang walang resulta.+
-
-
Jeremias 51:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 “Magtaas kayo ng isang hudyat sa lupain.+ Hipan ninyo ang tambuli sa gitna ng mga bansa. Pabanalin+ ninyo ang mga bansa laban sa kaniya. Tawagan ninyo laban sa kaniya ang mga kaharian ng Ararat,+ Mini at Askenaz.+ Mag-atas kayo ng tagapangalap na opisyal laban sa kaniya. Paahunin ninyo ang mga kabayo+ na gaya ng mga balang na mabalahibo.
-