Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 14:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At sinabi ni Jehova sa akin: “Kabulaanan ang inihuhula ng mga propeta sa aking pangalan.+ Hindi ko sila isinugo, ni inutusan ko man sila o nagsalita sa kanila.+ Isang bulaang pangitain at panghuhula at isang walang-kabuluhang bagay+ at ang pandaraya ng kanilang puso ang sinasalita nila sa inyo bilang hula.+

  • Jeremias 23:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 “Hindi ko isinugo ang mga propeta, gayunma’y tumakbo sila. Hindi ako nagsalita sa kanila, gayunma’y nanghula sila.+

  • Jeremias 28:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At sinabi ni Jeremias na propeta kay Hananias+ na propeta: “Makinig ka, pakisuyo, O Hananias! Hindi ka isinugo ni Jehova, kundi ikaw mismo ang nag-udyok sa bayang ito na magtiwala sa kabulaanan.+

  • Jeremias 29:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: “Huwag kayong magpalinlang sa inyong mga propeta na nasa gitna ninyo at sa inyong mga manghuhula,+ at huwag kayong makinig sa kanilang mga panaginip na napapanaginipan nila.+

  • Ezekiel 13:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “Nagpangitain sila ng bagay na di-totoo at ng kasinungalingang panghuhula,+ yaong mga nagsasabi, ‘Ang sabi ni Jehova ay,’ gayong hindi naman sila isinugo ni Jehova, at hinintay nila na may salitang magkatotoo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share