21 upang tuparin ang salita ni Jehova sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias,+ hanggang sa mabayaran ng lupain ang mga sabbath nito.+ Ito ay nangilin ng sabbath sa lahat ng mga araw ng pagkatiwangwang, upang ganapin ang pitumpung taon.+
7 Gayundin, inilabas ni Haring Ciro ang mga kagamitan ng bahay ni Jehova,+ na kinuha ni Nabucodonosor mula sa Jerusalem+ at pagkatapos ay inilagay sa bahay ng kaniyang diyos.+
10 “Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova, ‘Ayon sa pagtatapos ng pitumpung taon sa Babilonya ay ibabaling ko sa inyo ang aking pansin,+ at pagtitibayin ko sa inyo ang aking mabuting salita sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito.’+