Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 At kayo ay pangangalatin ko sa gitna ng mga bansa,+ at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo;+ at ang inyong lupain ay magiging tiwangwang,+ at ang inyong mga lunsod ay magiging tiwangwang na kaguhuan.

  • Deuteronomio 28:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Pangyayarihin ni Jehova na matalo ka sa harap ng iyong mga kaaway.+ Sa isang daan ay lalabas ka laban sa kanila, ngunit sa pitong daan ay tatakas ka sa harap nila; at ikaw ay magiging isang bagay na katatakutan ng lahat ng mga kaharian sa lupa.+

  • 2 Cronica 29:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ang galit+ ni Jehova ay dumating laban sa Juda at Jerusalem, anupat ginawa niya silang bagay na sanhi ng pangangatal,+ bagay na panggigilalasan+ at sanhi ng pagsipol,+ gaya ng nakikita ninyo ng inyong sariling mga mata.

  • Jeremias 15:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At ibibigay ko sila ukol sa pangangatal sa lahat ng mga kaharian sa lupa+ dahilan kay Manases na anak ni Hezekias, na hari ng Juda, dahil sa ginawa niya sa Jerusalem.+

  • Jeremias 24:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At isusugo ko laban sa kanila ang tabak,+ ang taggutom+ at ang salot,+ hanggang sa malipol sila mula sa lupa na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga ninuno.” ’ ”+

  • Jeremias 34:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “Kaya ito ang sinabi ni Jehova, ‘Hindi kayo sumunod sa akin upang patuloy na maghayag ng paglaya,+ ang bawat isa sa kaniyang kapatid at ang bawat isa sa kaniyang kapuwa. Narito, maghahayag ako sa inyo ng paglaya,’+ ang sabi ni Jehova, ‘ukol sa tabak,+ ukol sa salot+ at ukol sa taggutom,+ at tiyak na ibibigay ko kayo sa pangangatal sa lahat ng mga kaharian sa lupa.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share