Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 14:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At sinabi ni Jehova sa akin: “Kabulaanan ang inihuhula ng mga propeta sa aking pangalan.+ Hindi ko sila isinugo, ni inutusan ko man sila o nagsalita sa kanila.+ Isang bulaang pangitain at panghuhula at isang walang-kabuluhang bagay+ at ang pandaraya ng kanilang puso ang sinasalita nila sa inyo bilang hula.+

  • Jeremias 23:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 “Hindi ko isinugo ang mga propeta, gayunma’y tumakbo sila. Hindi ako nagsalita sa kanila, gayunma’y nanghula sila.+

  • Jeremias 28:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At sinabi ni Jeremias na propeta kay Hananias+ na propeta: “Makinig ka, pakisuyo, O Hananias! Hindi ka isinugo ni Jehova, kundi ikaw mismo ang nag-udyok sa bayang ito na magtiwala sa kabulaanan.+

  • Ezekiel 13:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “ ‘Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “ ‘Sa dahilang nagsalita kayo ng kabulaanan at nagpangitain kayo ng kasinungalingan, kaya narito, ako ay laban sa inyo,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.”

  • 2 Pedro 2:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Gayunman, nagkaroon din ng mga bulaang propeta sa gitna ng mga tao, kung paanong magkakaroon din ng mga bulaang guro sa gitna ninyo.+ Ang mga ito ay tahimik na magpapasok ng mapanirang mga sekta at magtatatwa maging sa may-ari na bumili sa kanila,+ na nagdadala ng mabilis na pagkapuksa sa kanilang sarili.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share