-
Isaias 33:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Sa aba mo na nananamsam, na hindi ka naman sinasamsaman, at sa iyo na nakikitungo nang may kataksilan, gayong hindi ka naman pinakikitunguhan nang may kataksilan!+ Kapag natapos ka na bilang mananamsam, ikaw ay sasamsaman.+ Kapag nagawa mo nang makitungo nang may kataksilan, makikitungo sila sa iyo nang may kataksilan.+
-
-
Jeremias 25:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 “ ‘At mangyayari nga na kapag naganap na ang pitumpung taon+ ay hihingi ako ng sulit laban sa hari ng Babilonya at laban sa bansang iyon,’+ ang sabi ni Jehova, ‘dahil sa kanilang kamalian, laban nga sa lupain ng mga Caldeo,+ at iyon ay gagawin kong mga tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda.+
-
-
Jeremias 50:29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 “Tawagin ninyo laban sa Babilonya ang mga mamamana, lahat ng yumayapak sa busog.+ Magkampo kayo laban sa kaniya sa buong palibot. Huwag bayaang may makatakas.+ Gantihan ninyo siya ayon sa kaniyang ginagawa.+ Ang ayon sa lahat ng ginawa niya ay gawin ninyo sa kaniya.+ Sapagkat kumilos siya nang may kapangahasan laban kay Jehova, laban sa Banal ng Israel.+
-