5 Dadalhin ka nga ni Jehova na iyong Diyos sa lupain na inari ng iyong mga ama, at tiyak na aariin mo iyon; at gagawan ka nga niya ng mabuti at pararamihin ka niya nang higit pa kaysa sa iyong mga ama.+
6 Sa mga araw na dumarating ay mag-uugat ang Jacob, ang Israel+ ay mamumulaklak at magsisibol nga; at talagang pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng mabungang lupain.+
22 Kung paanong ang hukbo ng langit ay hindi mabibilang, ni ang buhangin man sa dagat ay matatakal,+ gayon ko pararamihin ang binhi ni David na aking lingkod at ang mga Levita na naglilingkod sa akin.’ ”+