4 Sa pamamagitan ng mga lubid ng makalupang tao ay patuloy ko silang hinila, sa pamamagitan ng mga panali ng pag-ibig,+ anupat sa kanila ay naging gaya ako niyaong mga nag-aalis ng pamatok sa kanilang mga panga,+ at banayad akong nagdala ng pagkain sa bawat isa.+