9 Malibang si Jehova ng mga hukbo mismo ang nag-iwan sa atin ng iilang nakaligtas,+ naging gaya na sana tayo ng Sodoma, nakahalintulad na sana tayo ng Gomorra.+
3 “At titipunin ko ang nalabi sa aking mga tupa mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila ipinanabog,+ at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan,+ at sila ay tiyak na magiging palaanakin at darami.+
32 At mangyayari nga na ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay makaliligtas;+ sapagkat sa Bundok Sion at sa Jerusalem ay doroon ang mga nakatakas,+ gaya ng sinabi ni Jehova, at kasama ng mga nakaligtas, yaong mga tinatawag ni Jehova.”+
27 Bukod diyan, si Isaias ay sumisigaw may kinalaman sa Israel: “Bagaman ang bilang ng mga anak ni Israel ay maging tulad ng buhangin sa dagat,+ yaong nalabi ang maliligtas.+
5 Kaya nga, sa ganitong paraan, sa kasalukuyang kapanahunan din ay may nalabi+ na lumitaw ayon sa isang pagpili+ dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan.