-
Bilang 14:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 ‘Si Jehova, mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan,+ nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang,+ ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi.’+
-
-
Deuteronomio 5:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Huwag mong yuyukuran ang mga iyon o maakay ka man na paglingkuran ang mga iyon,+ sapagkat akong si Jehova na iyong Diyos ay Diyos na humihiling ng bukod-tanging debosyon,+ na naglalapat ng kaparusahan sa mga anak at sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi dahil sa kamalian ng mga ama, doon sa mga napopoot sa akin;+
-
-
1 Hari 14:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 sa dahilang iyan, narito, magpapasapit ako ng kapahamakan sa sambahayan ni Jeroboam, at lilipulin ko nga mula kay Jeroboam ang sinumang umiihi sa pader,+ ang mahina at walang-kabuluhan sa Israel;+ at lubos kong papalisin ang sambahayan ni Jeroboam,+ kung paanong inaalis ng isa ang dumi hanggang sa ito ay maitapon.+
-