-
Jeremias 11:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Bumalik sila sa mga kamalian ng kanilang mga ninuno,+ ang mga nauna, na tumangging sumunod sa aking mga salita, ngunit sila mismo ay sumunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila.+ Sinira ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ni Juda ang aking tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga ninuno.+
-
-
Ezekiel 8:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 At sinabi pa niya sa akin: “Nakikita mo ba ito, O anak ng tao? Isa bang napakagaan na bagay sa sambahayan ni Juda ang gawin ang mga karima-rimarim na bagay na ginagawa nila rito, na pinupuno nga nila ng karahasan+ ang lupain at ginagalit nila akong muli, at narito, idinuduldol nila sa aking ilong ang supang?
-