Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Cronica 36:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ngunit patuloy nilang kinakantiyawan+ ang mga mensahero ng tunay na Diyos at hinahamak ang kaniyang mga salita+ at nililibak+ ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang pagngangalit+ ni Jehova ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, hanggang sa wala nang kagalingan.+

  • Jeremias 7:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At sa dahilan nga na patuloy ninyong ginagawa ang lahat ng mga gawang ito,’ ang sabi ni Jehova, ‘at patuloy akong nagsasalita sa inyo, na bumabangon nang maaga at nagsasalita,+ ngunit hindi kayo nakinig,+ at patuloy akong tumatawag sa inyo, ngunit hindi kayo sumagot,+

  • Jeremias 25:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Mula nang ikalabintatlong taon ni Josias+ na anak ni Amon, na hari ng Juda, at hanggang sa araw na ito, sa dalawampu’t tatlong taóng ito ay dumarating sa akin ang salita ni Jehova, at patuloy akong nagsasalita sa inyo, na bumabangon nang maaga at nagsasalita, ngunit hindi kayo nakinig.+

  • Jeremias 26:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 sa pamamagitan ng pakikinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, na isinusugo ko sa inyo, na bumabangon pa nga nang maaga at isinusugo sila, na hindi ninyo pinakinggan,+

  • Jeremias 35:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At patuloy kong isinusugo sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod na mga propeta,+ na bumabangon nang maaga at isinusugo sila, na sinasabi, ‘Manumbalik kayo, pakisuyo, bawat isa mula sa kaniyang masamang lakad,+ at pabutihin ninyo ang inyong mga pakikitungo,+ at huwag kayong sumunod sa ibang mga diyos upang maglingkod sa kanila.+ At patuloy kayong manahanan sa lupa na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.’+ Ngunit hindi ninyo ikiniling ang inyong pandinig, ni nakinig man kayo sa akin.+

  • Jeremias 44:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ngunit hindi sila nakinig,+ ni ikiniling man nila ang kanilang pandinig upang talikuran ang kanilang kasamaan sa pamamagitan ng hindi paggawa ng haing usok para sa ibang mga diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share