Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 28:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “At mangyayari nga na kung hindi ka makikinig sa tinig ni Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng maingat na pagsasagawa ng lahat ng kaniyang mga utos at ng kaniyang mga batas na iniuutos ko sa iyo ngayon, ang lahat ng mga sumpang ito ay darating nga sa iyo at aabot sa iyo:+

  • Deuteronomio 29:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Nang magkagayon ay lumagablab ang galit ni Jehova laban sa lupaing iyon sa pamamagitan ng pagdadala roon ng buong sumpa na nakasulat sa aklat na ito.+

  • Josue 23:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At mangyayari nga, kung paanong ang lahat ng mabuting salita na sinalita sa inyo ni Jehova na inyong Diyos ay dumating sa inyo,+ gayon pasasapitin ni Jehova sa inyo ang lahat ng masamang salita hanggang sa malipol niya kayo mula sa mabuting lupang ito na ibinigay sa inyo ni Jehova na inyong Diyos,+

  • 2 Hari 23:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Ngunit sinabi ni Jehova: “Ang Juda+ ay aalisin ko rin mula sa aking paningin,+ kung paanong inalis ko ang Israel;+ at itatakwil ko nga ang lunsod na ito na aking pinili, maging ang Jerusalem, at ang bahay na tungkol dito ay sinabi ko, ‘Ang aking pangalan ay mananatili roon.’ ”+

  • Jeremias 15:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “ ‘At mag-aatas ako sa kanila ng apat na pamilya,’+ ang sabi ni Jehova, ‘ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang kumaladkad, at ang mga lumilipad na nilalang sa langit+ at ang mga hayop sa lupa upang kumain at lumipol.

  • Mikas 3:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kaya dahil sa inyo ang Sion ay aararuhing gaya lamang ng isang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton lamang ng mga guho,+ at ang bundok ng bahay ay magiging gaya ng matataas na dako ng kagubatan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share