8 Nang maglaon ay sinabi ni Hilkias+ na mataas na saserdote kay Sapan+ na kalihim:+ “Ang mismong aklat ng kautusan+ ay nasumpungan ko sa bahay ni Jehova.” Kaya ibinigay ni Hilkias ang aklat kay Sapan, at pinasimulan niyang basahin iyon.
14 nagsugo nga sila at kinuha si Jeremias mula sa Looban ng Bantay+ at ipinaubaya siya kay Gedalias+ na anak ni Ahikam+ na anak ni Sapan,+ upang iuwi siya sa kaniyang bahay, upang manahanan siya sa gitna ng bayan.