26 O anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka ng telang-sako+ at gumumon ka sa abo.+ Ang iyong pagdadalamhati ay gawin mong gaya niyaong para sa kaisa-isang anak, ang paghagulhol na may kapaitan;+ sapagkat biglang darating sa atin ang mananamsam.+
20 Ang aking tolda ay sinamsaman, at ang lahat ng aking mga panaling pantolda ay napatid.+ Nilisan ako ng sarili kong mga anak, at wala na sila.+ Wala nang naglaladlad ng aking tolda o nagtataas ng aking mga telang pantolda.