8 At naligalig ang bayan.+ Ang mga pangingisay at mga kirot ng panganganak ay nanaig; sila ay may mga kirot ng pagdaramdam na gaya ng babaing nanganganak.+ Nagtitinginan sila sa isa’t isa sa pagkamangha. Ang kanilang mga mukha ay nagniningas na mga mukha.+
3 Iyan ang dahilan kung bakit ang aking mga balakang ay napuspos ng matitinding kirot.+ Ang mga pangingisay ay nanaig sa akin, tulad ng mga pangingisay ng babaing nanganganak.+ Ako ay nagulumihanan anupat hindi ako nakaririnig; ako ay naligalig anupat hindi ako nakakakita.
22 Narito! May isa na paiilanlang na parang agila at mananaklot,+ at iuunat niya ang kaniyang mga pakpak sa ibabaw ng Bozra;+ at ang puso ng makapangyarihang mga lalaki ng Edom sa araw na iyon ay magiging gaya ng puso ng asawang babaing naghihirap sa panganganak.”+
9 “Ngayon ay bakit ka patuloy na sumisigaw nang malakas?+ Wala bang hari sa iyo, o naglaho ba ang iyong tagapayo, anupat pinanaigan ka ng mga hapdi na gaya ng sa babaing nanganganak?+
3 Kailanma’t kanilang+ sinasabi: “Kapayapaan+ at katiwasayan!” kung magkagayon ay kagyat na mapapasakanila ang biglang pagkapuksa+ gaya ng hapdi ng kabagabagan sa isang babaing nagdadalang-tao;+ at sa anumang paraan ay hindi sila makatatakas.+