Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 25:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At hinabol ng isang hukbong militar ng mga Caldeo+ ang hari, at naabutan nila siya+ sa mga disyertong kapatagan ng Jerico;+ at ang kaniyang buong hukbong militar ay nangalat mula sa kaniyang tabi.

  • Jeremias 24:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “ ‘At tulad ng masasamang igos na hindi makakain dahil sa kasamaan,+ ito sa katunayan ang sinabi ni Jehova: “Gayon ko ibibigay si Zedekias+ na hari ng Juda at ang kaniyang mga prinsipe at ang nalabi sa Jerusalem na natitira sa lupaing ito+ at yaong mga nananahanan sa lupain ng Ehipto+—

  • Jeremias 34:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At si Zedekias na hari ng Juda+ at ang kaniyang mga prinsipe ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa kamay niyaong mga naghahanap sa kanilang kaluluwa at sa kamay ng mga hukbong militar ng hari ng Babilonya+ na umuurong mula sa inyo.’+

  • Jeremias 37:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At nagsugo si Haring Zedekias at ipinakuha siya, at ang hari ay nagsimulang magtanong sa kaniya ng mga tanong sa kaniyang bahay sa isang kubling dako.+ At sinabi niya: “Mayroon bang salita mula kay Jehova?” Dito ay sinabi ni Jeremias: “Mayroon!” At sinabi pa niya: “Ibibigay ka sa kamay ng hari ng Babilonya!”+

  • Jeremias 38:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ngunit kung hindi mo lalabasin ang mga prinsipe ng hari ng Babilonya, ang lunsod na ito ay ibibigay rin sa kamay ng mga Caldeo, at susunugin nga nila ito sa apoy,+ at ikaw ay hindi makatatakas mula sa kanilang kamay.’ ”+

  • Jeremias 39:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At hinabol sila ng isang hukbong militar ng mga Caldeo,+ at naabutan nila si Zedekias sa mga disyertong kapatagan ng Jerico.+ Sa gayon ay kinuha nila siya at dinala siya kay Nabucodorosor na hari ng Babilonya sa Ribla+ sa lupain ng Hamat+ upang makapaglapat ito sa kaniya ng mga hudisyal na pasiya.+

  • Ezekiel 12:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ilaladlad ko nga sa kaniya ang aking lambat, at siya ay mahuhuli sa aking pangasong lambat;+ at dadalhin ko siya sa Babilonya, sa lupain ng mga Caldeo,+ ngunit hindi niya iyon makikita; at doon siya mamamatay.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share