15 At kapag iniuunat ninyo ang inyong mga palad,+ ikinukubli ko ang aking mga mata mula sa inyo.+ Kahit nananalangin kayo ng marami,+ hindi ako nakikinig;+ ang inyo mismong mga kamay ay napuno ng pagbububo ng dugo.+
15At sinabi ni Jehova sa akin: “Kung sina Moises+ at Samuel+ ay nakatayo sa harap ko, ang aking kaluluwa ay hindi kikiling sa bayang ito.+ Paaalisin sila mula sa harap ng aking mukha, upang palabasin sila.+
4 Sa panahong iyon ay hihingi sila ng saklolo kay Jehova, ngunit hindi niya sila sasagutin.+ At ikukubli niya ang kaniyang mukha mula sa kanila sa panahong iyon,+ ayon sa kasamaang ginawa nila sa kanilang mga pakikitungo.+