Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sila, sa ganang kanila, ay pumukaw sa akin sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi naman diyos;+

      Niligalig nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga walang-kabuluhang idolo;+

      At ako, sa ganang akin, ay pupukaw sa kanila sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bayan;+

      Sa pamamagitan ng isang hangal na bansa ay gagalitin ko sila.+

  • 1 Hari 16:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At lumakad siya sa lahat ng daan ni Jeroboam na anak ni Nebat+ at sa kaniyang kasalanan na pinangyari niyang ipagkasala ng Israel na ginagalit si Jehova na Diyos ng Israel sa pamamagitan ng kanilang mga walang-kabuluhang idolo.+

  • 2 Hari 17:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 at patuloy nilang itinakwil ang kaniyang mga tuntunin at ang kaniyang tipan+ na ipinakipagtipan niya sa kanilang mga ninuno at ang kaniyang mga paalaala+ na ibinabala niya sa kanila, at sila ay sumunod sa mga walang-kabuluhang idolo+ at naging mga walang kabuluhan+ din, maging sa pagtulad sa mga bansang nasa buong palibot nila, na tungkol sa kanila ay inutusan sila ni Jehova na huwag gumawang tulad ng mga iyon;+

  • Gawa 14:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 at nagsasabi: “Mga lalaki, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami rin ay mga tao+ na may mga kahinaang+ katulad ng sa inyo, at nagpapahayag sa inyo ng mabuting balita, upang bumaling kayo mula sa walang-kabuluhang+ mga bagay na ito tungo sa Diyos na buháy,+ na siyang gumawa ng langit+ at ng lupa at ng dagat at ng lahat ng bagay na nasa mga iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share