-
Amos 4:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 “ ‘Nagpasapit ako sa inyo ng salot na kauri niyaong sa Ehipto.+ Sa pamamagitan ng tabak ay pinatay ko ang inyong mga kabataang lalaki,+ kasama ng pagbihag sa inyong mga kabayo.+ At patuloy kong pinailanlang sa mga butas ng inyong ilong ang baho ng inyong mga kampo;+ ngunit hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.
-
-
Zacarias 1:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 “ ‘Huwag kayong maging gaya ng inyong mga ama + na sa kanila ay tumawag ang mga propeta noong una, + na sinasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Manumbalik kayo, pakisuyo, mula sa inyong masasamang lakad at mula sa inyong masasamang pakikitungo.’ ” ’ +
“ ‘Ngunit hindi sila nakinig, at hindi sila nagbigay-pansin sa akin,’ + ang sabi ni Jehova.
-