Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 29:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Pagkatapos ay sasabihin nila, ‘Sapagkat pinabayaan nila ang tipan+ ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno, na ipinakipagtipan niya sa kanila nang ilabas niya sila mula sa lupain ng Ehipto.+

  • Hukom 2:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sa gayon ay iniwan nila si Jehova na Diyos ng kanilang mga ama na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Ehipto+ at sumunod sa ibang mga diyos mula sa mga diyos ng mga bayan na nasa buong palibot nila+ at nagsimula silang yumukod sa mga iyon, anupat ginalit nila si Jehova.+

  • Nehemias 9:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “Gayunman, sila ay naging masuwayin+ at naghimagsik laban sa iyo+ at patuloy na itinatapon ang iyong kautusan sa kanilang likuran,+ at ang iyong mga propeta ay kanilang pinatay,+ na nagpatotoo laban sa kanila upang ipanumbalik sila sa iyo;+ at sila ay nagsigawa ng mga gawa ng matinding kawalang-galang.+

  • Jeremias 2:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ang mga saserdote ay hindi nagsabi, ‘Nasaan si Jehova?’+ At sila mismo na humahawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin;+ at ang mga pastol ay sumalansang laban sa akin,+ at maging ang mga propeta ay nanghula sa pamamagitan ni Baal,+ at yaong mga hindi makapagdudulot ng pakinabang ay sinundan nila.+

  • Jeremias 5:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Paano kita mapapatawad sa mismong bagay na ito? Iniwan ako ng iyong mga anak, at patuloy silang sumusumpa+ sa pamamagitan niyaong hindi naman Diyos.+ At patuloy ko silang binubusog,+ ngunit patuloy silang nangangalunya,+ at sa bahay ng babaing patutot ay pumaparoon sila nang pulu-pulutong.

  • Jeremias 22:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At sasabihin nila: “Sa dahilang iniwan nila ang tipan ni Jehova na kanilang Diyos+ at yumukod sa ibang mga diyos at naglingkod sa kanila.” ’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share