-
Daniel 9:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At lahat niyaong nagmula sa Israel ay lumabag sa iyong kautusan, at nagkaroon ng paglihis dahil sa hindi pagsunod sa iyong tinig,+ anupat ibinuhos mo sa amin ang sumpa at ang ipinanatang sumpa+ na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos, sapagkat nagkasala kami laban sa Kaniya.
-
-
Amos 2:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Dahil sa tatlong pagsalansang ng Juda,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong, dahil sa pagtatakwil nila sa kautusan ni Jehova,+ at sapagkat hindi nila tinupad ang kaniyang mga tuntunin; kundi ang kanilang mga kasinungalingan,+ na sinundan ng kanilang mga ninuno, ay palaging nagliligaw sa kanila.+
-