Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 28:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Pasasapitin ni Jehova sa iyo ang sumpa,+ kalituhan+ at pagsaway+ sa lahat ng iyong pinagpapagalan na isinasagawa mo, hanggang sa ikaw ay malipol at mapawi nang dali-dali, dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa sapagkat iniwan mo ako.+

  • 2 Cronica 36:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ngunit patuloy nilang kinakantiyawan+ ang mga mensahero ng tunay na Diyos at hinahamak ang kaniyang mga salita+ at nililibak+ ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang pagngangalit+ ni Jehova ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, hanggang sa wala nang kagalingan.+

  • Jeremias 6:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At napuno ako ng pagngangalit ni Jehova. Nanghimagod ako sa kapipigil.”+

      “Ibuhos mo iyon sa batang nasa lansangan+ at sa matalik na kapisanan ng mga kabataang lalaki nang magkakasabay; sapagkat mahuhuli rin sila, ang lalaki kasama ang kaniyang asawa, ang matanda kasama ang isang puspos ng mga araw.+

  • Jeremias 9:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At ang Jerusalem ay gagawin kong mga bunton ng mga bato,+ na tirahan ng mga chakal;+ at ang mga lunsod ng Juda ay gagawin kong tiwangwang na kaguhuan, na walang tumatahan.+

  • Ezekiel 22:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Kaya ibubuhos ko sa kanila ang aking pagtuligsa.+ Sa pamamagitan ng apoy ng aking poot ay lilipulin ko sila.+ Ang kanilang lakad ay pasasapitin ko sa kanilang sariling ulo,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.”

  • Daniel 9:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At tinupad niya ang kaniyang mga salita na sinalita niya laban sa amin+ at laban sa aming mga hukom na humatol sa amin,+ sa pamamagitan ng pagpapasapit sa amin ng malaking kapahamakan, gaya ng hindi pa ginagawa sa silong ng buong langit gaya ng ginawa sa Jerusalem.+

  • Zacarias 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Gayunman, kung tungkol sa aking mga salita at sa aking mga tuntunin na iniutos ko sa aking mga lingkod, na mga propeta, + hindi ba inabutan ng mga iyon ang inyong mga ama?’ + Kaya nanumbalik sila at nagsabi: ‘Ayon sa inisip ni Jehova ng mga hukbo na gawin sa amin, + ayon sa aming mga lakad at ayon sa aming mga pakikitungo, ganiyan ang ginawa niya sa amin.’ ” +

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share