-
Levitico 26:43Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
43 Samantala ay napabayaan nila ang lupain at pinagbabayaran nito ang kaniyang mga sabbath+ habang ito ay nakatiwangwang nang wala sila at sila mismo ay nagbabayad dahil sa kanilang kamalian,+ sapagkat, oo, sapagkat itinakwil nila ang aking mga hudisyal na pasiya,+ at kinamuhian ng kanilang mga kaluluwa ang aking mga batas.+
-
-
Jeremias 26:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 “Si Mikas+ ng Moreset+ ay nanghuhula noong mga araw ni Hezekias na hari ng Juda+ at nagsabi sa buong bayan ng Juda, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Ang Sion ay aararuhing gaya lamang ng isang bukid,+ at ang Jerusalem ay magiging mga bunton lamang ng mga guho,+ at ang bundok ng Bahay ay magiging matataas na dako ng kagubatan.” ’+
-