Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Huwag kang tatanggap ng suhol, sapagkat ang suhol ay bumubulag ng mga taong malinaw ang paningin at makapipilipit ng mga salita ng mga taong matuwid.+

  • Deuteronomio 16:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Huwag mong babaluktutin ang kahatulan.+ Huwag kang magtatangi+ o tatanggap ng suhol, sapagkat ang suhol ay bumubulag sa mga mata ng marurunong+ at pumipilipit sa mga salita ng mga matuwid.

  • Deuteronomio 27:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “ ‘Sumpain ang tumatanggap ng suhol upang pumatay ng isang kaluluwa, kung ito ay dugong walang-sala.’+ (At ang buong bayan ay magsasabi, ‘Amen!’)

  • Awit 26:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Huwag mong kuning kasama ng mga makasalanan ang aking kaluluwa,+

      Ni ang aking buhay na kasama ng mga taong may pagkakasala sa dugo,+

  • Isaias 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Ang iyong mga prinsipe ay sutil at mga kasamahan ng mga magnanakaw.+ Ang bawat isa sa kanila ay maibigin sa suhol+ at humahabol sa mga kaloob.+ Para sa batang lalaking walang ama ay hindi sila naggagawad ng kahatulan; at maging ang usapin sa batas ng babaing balo ay hindi nila tinatanggap.+

  • Amos 5:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sapagkat alam ko kung gaano karami ang inyong mga pagsalansang+ at kung gaano kalubha ang inyong mga kasalanan,+ O kayong mga napopoot sa sinumang matuwid,+ kayong mga tumatanggap ng lagay,+ at siyang nagtataboy sa mga taong dukha+ sa pintuang-daan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share