Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 6:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Kung ang isang kaluluwa ay magkasala sapagkat gumawi siya nang di-tapat kay Jehova+ at nilinlang+ niya ang kaniyang kasamahan tungkol sa isang bagay na nasa kaniyang pangangasiwa o isang lagak sa kaniyang kamay+ o isang pagnanakaw o dinaya niya ang kaniyang kasamahan,+

  • Isaias 1:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Ang iyong mga prinsipe ay sutil at mga kasamahan ng mga magnanakaw.+ Ang bawat isa sa kanila ay maibigin sa suhol+ at humahabol sa mga kaloob.+ Para sa batang lalaking walang ama ay hindi sila naggagawad ng kahatulan; at maging ang usapin sa batas ng babaing balo ay hindi nila tinatanggap.+

  • Jeremias 5:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “ ‘Sapagkat sa gitna ng aking bayan ay may nasumpungang mga taong balakyot.+ Lagi silang nagmamasid, gaya ng pagyukyok ng mga manghuhuli ng ibon.+ Naglagay sila ng kapaha-pahamak na bitag. Mga tao ang hinuhuli nila.

  • Jeremias 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Maaari bang magkaroon ng pagnanakaw,+ pagpaslang+ at pangangalunya+ at pagsumpa nang may kabulaanan+ at paggawa ng haing usok para kay Baal+ at pagsunod sa ibang mga diyos na hindi ninyo nakilala,+

  • Jeremias 21:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 O sambahayan ni David,+ ito ang sinabi ni Jehova: “Bawat umaga+ ay maggawad ka ng hatol ayon sa katarungan,+ at iligtas mo ang ninanakawan mula sa kamay ng mandaraya,+ upang ang aking pagngangalit ay hindi lumabas na gaya ng apoy+ at magningas nga at walang sinumang makapapatay nito dahil sa kasamaan ng inyong mga pakikitungo.” ’+

  • Mikas 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At nagnanasa sila ng mga bukid at inaagaw ang mga iyon;+ ng mga bahay rin, at kinukuha ang mga iyon; at dinadaya nila ang matipunong lalaki at ang kaniyang sambahayan,+ ang isang lalaki at ang kaniyang minanang pag-aari.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share