-
Ezekiel 18:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 “ ‘Ngayon kapag ang matuwid ay tumalikod mula sa kaniyang katuwiran at gumawa nga ng kawalang-katarungan;+ patuloy niyang ginagawa+ ang ayon sa lahat ng mga karima-rimarim na bagay na ginagawa ng balakyot at siya ay buháy, walang isa man sa lahat ng kaniyang matuwid na mga gawa na ginawa niya ang aalalahanin.+ Dahil sa kaniyang kawalang-katapatan na ginawa niya at dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala niya, dahil sa mga iyon ay mamamatay siya.+
-
-
Ezekiel 33:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 “At ikaw naman, O anak ng tao, sabihin mo sa mga anak ng iyong bayan, ‘Hindi ang katuwiran ng matuwid ang magliligtas sa kaniya sa araw ng kaniyang pagsalansang.+ Ngunit tungkol sa kabalakyutan ng balakyot, hindi siya ibubuwal dahil doon sa araw ng kaniyang panunumbalik mula sa kaniyang kabalakyutan.+ Ni ang sinumang may katuwiran ay patuloy na mabubuhay dahil doon sa araw ng kaniyang pagkakasala.+
-