10 Sapagkat nilimot+ mo ang Diyos ng iyong kaligtasan;+ at ang Bato+ ng iyong tanggulan ay hindi mo inalaala. Iyan ang dahilan kung bakit ka nagtatanim ng kaiga-igayang mga taniman, at supang ng taga-ibang bayan ang ibinabaon mo roon.
32 Malilimutan ba ng dalaga ang kaniyang mga palamuti, ng kasintahang babae ang kaniyang mga pamigkis sa dibdib? Gayunma’y ang aking sariling bayan—nilimot nila ako sa mga araw na walang bilang.+
21 Sa mga dinaraanang landas ay may narinig na tinig, ang pagtangis, ang mga pamamanhik ng mga anak ni Israel. Sapagkat pinilipit nila ang kanilang lakad;+ nilimot nila si Jehova na kanilang Diyos.+
25 Ito ang iyong kahinatnan, ang iyong sinukat na bahagi mula sa akin,”+ ang sabi ni Jehova, “sapagkat nilimot mo ako+ at ang iyong tiwala ay patuloy mong inilalagak sa kabulaanan.+