-
Jeremias 25:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 narito, magsusugo ako at kukunin ko ang lahat ng pamilya sa hilaga,”+ ang sabi ni Jehova, “na nagsusugo pa man din kay Nabucodorosor na hari ng Babilonya, na aking lingkod,+ at dadalhin ko sila laban sa lupaing ito+ at laban sa mga tumatahan dito at laban sa lahat ng mga bansang ito sa palibot;+ at itatalaga ko sila sa pagkapuksa at gagawin ko silang bagay na panggigilalasan at bagay na sisipulan+ at mga dakong wasak hanggang sa panahong walang takda.+
-
-
Ezekiel 29:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 “Anak ng tao, si Nabucodorosor,+ ang hari ng Babilonya, ay nagpagawa sa kaniyang hukbong militar ng isang malaking paglilingkod laban sa Tiro.+ Ang bawat ulo ay nakalbo, at ang bawat balikat ay natalupan.+ Ngunit kung tungkol sa kabayaran,+ wala ni anuman para sa kaniya at sa kaniyang hukbong militar mula sa Tiro para sa paglilingkod na isinagawa niya laban dito.
-