20 Sapagkat si Herodes ay natatakot+ kay Juan, palibhasa’y nalalamang siya ay isang taong matuwid at banal;+ at iniingatan niya siyang ligtas. At pagkarinig+ sa kaniya ay lubha siyang nalito kung ano ang gagawin, gayunma’y patuloy niya siyang malugod na pinakikinggan.