Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Ang pinakamainam sa mga unang hinog na bunga ng iyong lupa ay dadalhin mo sa bahay ni Jehova na iyong Diyos.+

      “Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.+

  • Bilang 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Sapagkat ang lahat ng panganay ay akin.+ Nang araw na saktan ko ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto+ ay pinabanal ko sa akin ang lahat ng panganay sa Israel mula sa tao hanggang sa hayop.+ Sila ay magiging akin. Ako ay si Jehova.”

  • Bilang 18:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Lahat ng pinakamainam na langis at lahat ng pinakamainam na bagong alak at butil, ang kanilang mga unang bunga,+ na ibibigay nila kay Jehova, ibinibigay ko ang mga iyon sa iyo.+

  • Bilang 18:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 At ibibilang iyon sa inyo na abuloy ninyo, gaya ng mga butil ng giikan+ at gaya ng kabuuang bunga ng pisaang pang-alak o panlangis.

  • Deuteronomio 18:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang una sa iyong butil, sa iyong bagong alak at sa iyong langis at ang una sa ginupit na balahibo ng iyong kawan ay dapat mong ibigay sa kaniya.+

  • 2 Cronica 31:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Karagdagan pa, sinabi niya sa bayan, sa mga tumatahan sa Jerusalem, na ibigay ang takdang bahagi ng mga saserdote+ at ng mga Levita,+ upang sila ay makapanghawakang+ mahigpit sa kautusan ni Jehova.+

  • 2 Cronica 31:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Kaya sinabi sa kaniya ni Azarias+ na punong saserdote mula sa sambahayan ni Zadok,+ oo, sinabi niya: “Mula nang pasimulan nilang dalhin ang abuloy+ sa bahay ni Jehova ay may kainan at kabusugan+ at may lumalabis na sagana;+ sapagkat pinagpala ni Jehova ang kaniyang bayan,+ at ang natira ay ang malaking kasaganaang ito.”

  • Nehemias 10:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 at upang dalhin ang mga unang hinog na bunga ng aming lupa+ at ang mga unang hinog na bunga ng lahat ng bunga ng bawat uri ng punungkahoy,+ taun-taon, sa bahay ni Jehova;

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share