58“Sumigaw ka nang buong lakas; huwag kang magpigil.+ Ilakas mo ang iyong tinig na parang tambuli, at sabihin mo sa aking bayan ang kanilang pagsalansang,+ at sa sambahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
17 “Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sambahayan ng Israel,+ at makaririnig ka ng pananalita mula sa aking bibig at magbababala ka sa kanila mula sa akin.+
46 “Anak ng tao, ituon mo ang iyong mukha+ patungo sa katimugang bahagi at magbitiw+ ka ng mga salita sa dakong timog, at manghula ka sa kagubatan ng parang sa timog.
2 “Anak ng tao, ituon mo ang iyong mukha patungo sa Jerusalem at magbitiw+ ka ng mga salita patungo sa mga dakong banal,+ at manghula ka laban sa lupa ng Israel.+