3 “‘Anim na araw na maisasagawa ang gawain, ngunit sa ikapitong araw ay sabbath ng lubusang kapahingahan,+ isang banal na kombensiyon. Hindi kayo gagawa ng anumang uri ng gawain. Iyon ay sabbath kay Jehova sa lahat ng dako na inyong tinatahanan.+
24 “Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sinasabi, ‘Sa ikapitong buwan,+ sa ikaisa ng buwan, ay magkakaroon kayo ng lubusang kapahingahan, isang tagapagpaalaala na may tunog ng trumpeta,+ isang banal na kombensiyon.+
32 Ito ay isang sabbath ng lubusang kapahingahan para sa inyo,+ at pipighatiin+ ninyo ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam ng buwan sa kinagabihan. Mula sa gabi hanggang sa gabi ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath.”
4 Ngunit sa ikapitong taon ay magkakaroon ng isang sabbath ng lubusang kapahingahan para sa lupain,+ isang sabbath kay Jehova. Ang iyong bukid ay huwag mong hahasikan ng binhi, at ang iyong ubasan ay huwag mong pupungusan.
11 Magiging isang Jubileo para sa inyo ang ikalimampung taóng iyon.+ Huwag kayong maghahasik ng binhi ni gagapasin man ninyo ang sumibol sa lupain mula sa mga natapong butil ni pipitasin ang mga ubas mula sa mga di-napungusang punong ubas niyaon.+
14 At ang iyong banal na sabbath+ ay ipinaalam mo sa kanila, at ang mga utos at mga tuntunin at isang kautusan ay iniutos mo sa kanila sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.+