-
Daniel 4:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 “Sa pagkakataong iyon si Daniel, na ang pangalan ay Beltesasar,+ ay nanggilalas nang sandali, at natakot siya sa kaniyang mga kaisipan.+
“Ang hari ay sumagot at nagsabi, ‘O Beltesasar, huwag kang matakot sa panaginip at sa pakahulugan.’+
“Si Beltesasar ay sumagot at nagsabi, ‘O panginoon ko, ang panaginip nawa ay tungkol sa mga napopoot sa iyo, at ang pakahulugan naman ay tungkol sa iyong mga kalaban.+
-
-
Daniel 4:33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Nang sandaling iyon+ ay natupad kay Nabucodonosor ang salita, at mula sa mga tao ay itinaboy siya, at nagsimula siyang kumain ng pananim na gaya ng mga toro, at sa hamog ng langit ay nabasâ ang kaniyang katawan, hanggang sa ang kaniyang buhok ay humabang gaya ng mga balahibo ng mga agila at ang kaniyang mga kuko gaya ng mga kuko ng mga ibon.+
-